simple lang ang buhay ko. ikaw, gusto kita. nobya mo, ayaw ko. gusto kong sampalin. gusto kong sampalin at pauwiin sa nanay niyang di siya pinalaki nang maayos. *bow*.
Kasi, madali naman isipin na lalago talaga ang sama ng pakiramdam kung hindi mo alagaan sarili mo. Nagpakamartyr ka kasi sa isang pakikisapalarang wala namang kusa. Wala namang pumwersa sa iyong hindi bumaba, hindi kumain, hindi matulog.
Ang katangahan mo ay napakalayo sa kawalan mo ng abilidad na mag-aral nang hindi nagpupuyat, at nagugutom. Ang katangahan mo ay nasa kaayawan mong alagaan ang sarili mo kahit na may pagkakataon ka, ay kaayawan mong aminin na may sakit ka — HUWAG KA NA MAGPAKYUT! HINDI KA KYUT! WALANG MAY SAKIT NA KYUT!
Parang-awa mo na, umuwi ka na, magpasundo ka na. kasi kung mahawaan mo ako, ngayon at tapos na ako sa klase ko, ABA, daig pa sa hagupit ng bagyo ang kabuwisitang mararamdaman mo mula sa akin.

